Printer Friendly Email this Page Add to Favorites/Bookmarks Font Size

Ang Kahulugan ng Matuwid na mga Gawain

 

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Kahulugan ng Matuwid na mga Gawain

[PLPHP]

 

 

Ang matuwid na gawain ay ang paggawa ng mga kabutihan (Ihsaan, ang payak na pagpapakahulugan sa paggawa ng kabutihan), ang halimbawa dito ay ang gumawa ng kabutihan at ang mga matutuwid na gawain ay ang mga ipinag-uutos ng AllahU sa atin. Ang mga ipinag-uutos ng AllahU ay napapaloob sa Shari’ah na naaayun sa Qur’an at Sunnah ng Propetar. Ipinagbigay-alam ng AllahU sa atin na kung sinuman ang may dalisay na layunin ng dahil sa AllahU lamang at ipatupad ang ‘Ihsan’ sa kanyang pang-araw-araw na mga gawain, ang kanyang mga gawain ay karapat-dapat ng gantimpala at ligtas sa anumang kaparusahan.

 

Dahil dito, ang mga iman ng mga salaf (ang mga matutuwid sa naunang henerasyon sa panahon ng Propetar), ay madalas pinagsasama ang dalawang kaisipang ito, tulad ng sinabi ni Al-Fadheel ibn 'iyaadh hinggil sa kahulugan ng pahayag ng AllahU:

 

Siya na lumikha ng kamatayan at buhay upang masubukan Niya kung sino sa inyo ang pinakamabuti sa asal (at pag-uugali), at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Mapagpatawad. [Qur'an, 67:2]

 

Sinabi niya “ang lubos na katapatan at katotohanan.” Tinanong sa kanya: ”O, ama ni Ali, ano ang kahulugan ng lubos na katapatan (na gawain) at katotohanan?” Sinabi niya: Katotohanan, lahat ng gawain, na maaring tama na hindi ginawa ng may katapatan ay hindi tatanggapin; kung ginawa ng may katapatan subali’t hindi tama ay hindi rin tatanggapin, hangga’t sa ito’y ginawa ng may katapatan at ito’y katotohanan. Ang tapat na gawain ay yaong ginawa ng dalisay ng dahil lamang sa AllahU at ang tamang gawain ay ang naaayun sa Sunnah ng Propetar.

 

Iniulat ni Ibn Shaaheen at Al-lalkaa'iy mula kay Sa'eed ibn Jubair na kanyang sinabi:

 

”Walang pagpapahayg na tatanggapin na walang gawa. At walang pagpapahayag at gawain na tatanggapin na walang malinaw at dalisay na layunin. At walang pag-uulat at gawain at layunin ang tatanggapin hangga’t ito’y naaayon sa sunnah ng Propeta. Ang ulat na ito ay sinalaysay mula kay Al-Hassan Al-Basry na gumamit ng salitang “hindi naayon sa batas” sa halip na “hindi tinatanggap.”

 

Nakasaad dito ang pagsalungat sa paninindigan ng pangkat ng Murji’a na ang pagpapahayag (pagsaksi ng paniniwala) ay sapat. Gayundin ay ipinaalam sa atin na ang pagpapahayag at gawa ay kapwa kinakailangan, sapagka’t ang paniniwala (Iman) ay ang pagsasaksi at gawain. Naipaliwanag din natin na ang “paniniwala” lamang ng puso at ang pagpapahayag ng dila kasama dito ang poot sa AllahU at ang Kanyang mga batas, at ang pagmamalaki sa harap ng AllahU at ng Kanyang batas, ay hindi maaring matawag na paniniwala (Iman) at ito’y sinasang-ayunan ng mga naniniwala – hangga’t ang paniniwalang ito ay kasama ng mabuting gawain. Ang pinagmumulan ng gawa ay mula sa puso at iyan ay ang pagmamahal, at ang sukdulang paggalang at pagpapakumbaba ang nagtatanggal sa poot at pagmamataas.

 

At sa pagpapatuloy sinabi nila: ‘Ang pagpapahayag at gawain ay hindi tatanggapin maliban kung may tamang layunin. At ito ay malinaw: Ang pagpapahayag at gawain na hindi ginagawa ng may dalisay na layunin ng dahil sa Allah lamang at hindi tatanggapin ng Allah.’

 

At dagdag pa nila: ‘Ang pagpapahayag at gawain at layunin ay hindi tatanggapin maliban lamang kung ito ay sang-ayon sa sunnah, at ang sunnah na tinutukoy dito ay ang Shari’ah. Ito ang ipinag-uutos ng Allah at ang Kanyang Propeta. Ang pagpapahayag, gawain at layunin na lumalabag sa hangganang itinatag ng Allah sa Shari’ah ay bid’a (pagbabago), at ang lahat ng bid’a ay sa pagkaligaw sa lihis na landas, at ito ay kinapopootan ng Allah, kaya’t ito’y Kanyang tatanggihan at hindi ito katanggap-tanggap. Ang magandang halimbawa dito ay ang mga gawain ng lahat ng hindi naniniwala sa kaisahan ng Allah at nasa pananampalatayang maliban sa Islam.’

 

-----------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ni Ibn Taymiyya na pinamagatang “Ang Pag-uutos ng kabutihan at ang Pagbabawal ng Kasaan”

 

.